Student fare discount act, muling itatalakay sa mga e-trike at trimobile operator at driver sa Naga City

NAGA CITY – Muling itatalakay sa mga E-Trike at Trimobile Operator at Driver sa Naga City ang hinggil sa Student Fare Discount Act.

Sa panayam kay Kagawad Gil Belen ng Barangay Dayangdang at Federation President ng E-Trike at Trimobile Operator and Drivers Association, aminado itong hindi nila alam ang hinggil dito o ang Republic Act 11314 na batas na naglalayon ng P20% na diskwento para sa mga estudyante sa mga pampublikong sasakyan tulad ng jeep, bus, e-trike at trimobile, na sakop din ang tren, eroplano, maging sasakyang pandagat.

Nakapaloob sa Student Fare Discount Act na ang pag-avail ng diskwento ay hindi lamang sa araw ng may pasok sa klase bagkus ay magin sa araw din ng deklaradong holiday, weekend, o habang nasa bakasyon ipakita lamang ang student identification card.

Sakali man na hindi tanggapin ng mga drivers, ipaalam o ireklamo lamang sa Land Transportation and Franchising Regulatory Board o LTFRB kung mga jeep o bus, sa PSO Naga naman kung e-trike at trimobile.

Bagamat taong 2019 pa aprobado ang batas, sinabe pa ni Kagawad na kinakailangan pa ring ma-orient at ipaalam sa mga operator o drivers, lalo na may ilang isyu na hindi nagbibigay ng diskwento at hindi na naibabalik sa pasahero ang sukli.

Ngunit nakakasiguro aniya na susunod sila at nagbibigay din ng regular na diskwento hindi lamang sa mga estudyante bagkus sa mga senior citizen at PWD.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *