CAMARINES SUR – Malaki ang posibilidad na tamaan ng diarrhea at makaranas ng stress ang mga livestock animals tulad ng baka, kalabaw at baboy ngayong tag-ulan.
Ito ang sinabi sa Brigada News FM Naga ni Dr. Celestina Esteve, Livestock Division Head ng Municipal Agriculture Office sa Bula, Camarines Sur. Aniya, katulad ng tao, nakakaranas din sila ng stress dahil umano sa pagbabago ng panahon. Tuwing maulan naman, nagiging prone sila sa diarrhea dala ng maruming tubig na kanilang naiinom lalo na kung napapabayaan sila ng kanilang mga amo kung kaya’t isa sa mga mahahalagang bagay na dapat isaalang-alang ng mga nag-aalaga ang pagkakaroon ng maayos na kulungan, malinis na pagkain at tubig.
Puspusan ang pagbibigay nila ng paalala para maiwasan na magkasakit ang mga hayop dahil maaari itong makaapekto sa supply ng livestock maging sa bentahan at presyo nito. Maaari itong ikalugi ng mga negosyante, ng mga hog raisers o kaya naman ikagalit ng mga mamimili lalo na kung walang ibang magiging paraan ang mga manininda kun’di taasan ang presyo nito dahil sa kakulangan ng supply.