Street level individual, timbog sa buy bust ops

Naaresto ng mga kapulisan sa ikinasang anti-illegal drug buy bust operation kagabi sa Dacanay Street Brgy. San Fermin, Cauayan City ang isang street level individual na si alyas na Kiran.

Nakuha sa kaniyang pag-iingat ang isang piraso ng heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu ,isang piraso ng 1,000 peso bill, isang piraso ng twenty peso bill,susi,motorsiklo na walang plaka, at isang cellphone.

Dinala na ang suspek sa himpilan ng pulisya at inihahanda na rin ang kasong paglabag sa R.A. 9165 o (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) laban dito

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *