Stock ng dugong nakokolekta ng BMC – NVBSP blood bank,  sapat

NAGA CITY – Naka-code yellow ang stock ng mga dugong nakokolekta ngayon ng Bicol Medical Center – National Voluntary Blood Services Program Blood Bank Inventory, ibig sabihin sapat para sa mga mangangailangan nito.

Ito ang kinumpirma sa Brigada News FM Naga ni Mario Cecilio Chavez, Blood Program Coordinator.

Aniya, sa bawat araw, may tatlong team na nagsasagawa ng mga Mobile Blood Donation para sa mga nais magdonate ng dugo sa buong probinsya man ng Camarines Sur at Camarines Norte, kung saan suportado sila ng mga  LGUs, organizations, mga iba’t-ibang ahensya at iba pa.

Read More:  School building engulfed by fire in Tudela, Misamis Occidental

May 14 na mga private hospitals sa Camarines Sur at 9 sa Camarines Norte ang patuloy nilang binibigyan ng dugo para ibigay sa mga pasyenteng nangangailangan.

Read More:  19-year-old woman found dead in Lupon, Davao Oriental, with head injury

Dagdag pa ni Chavez, kakaunti ang mga nakaconfine na mga pasyenteng nangangailangan ng dugo o nasa platelet concentrate na kailangan masalinan ng dugo.

Sa kabila naman nito nakahanda ang naturang opisina na tumulong lalo kung may nangangailan ng dugo dahil sa sakit na dengue, bagamat kasi tumaas ang kaso ng dengue sa Bicol wala pa naman ang talagang naconfine na kinailanganang salinan ng dugo.