CAMARINES NORTE- Pormal ng isinapubliko nitong July 4, 2022 sa pamamagitan ng resolution no. 156-2022 ang mga komitibang pamumunuan ng mga bagong halal na konsehales at bubuo ng Sangguniang bayan ng Daet
Ang ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod; Para sa Public Works, Infrastructure Town, Planning, And Zoning, Finance and Appropriation, Disaster Preparedness, at Quasi- Judicial nakatalagang Chairman para dito si Hon. Jose Angelo Coreses.
Habang sa Labor and Employment at Trade & Industry, pamumunuan ito ni Hon. Ma. Eliza Llovit. Samantala para naman sa Health and Sanitation at Human Rights ay pamumunuan ito ni Hon. Ian Tejada.
Sa Public Utilities, Transportation, & Communication, Environmental Protection and Ecology, Urban Poor & Rural Settlement, at Education, Culture and Arts ay nasa ilalim ito ng chairmanship ni Hon. Marlon Bandelaria.
Para naman sa sector ng Agriculture and Food, Senior Citizens and PWDs at Social Services ay nasa ilalim ito ng pamumuno ni Hon. Tomasito Turingan
Tungkol naman sa NGOs, POs & Cooperative nakatalaga itong pamunuan ni Hon. Rossano Valencia.
Habang sa Peace & Order, Public Safety,Fire Safety, Permits and Licenses, at Tourism ay pamumunuan naman ni Hon. William Avila.
Samantala para naman sa, Brgy. Affairs ito ay pangungunahan ni Hon. Peter Musa habang sa Women , Children, and Family ay hahawakan naman ito ni Hon. Judy Gallardo.
Ang mga nabanggit ay ang mga opisyal na standing committee na pagtratrabahuhan ng mga bagong halal na konsehales.
