Nakatanggap si SB19 Stell Ajero ng standing ovation sa concert ni David Foster dahil kanyang pag-awit ng “All By Myself.”
Sa kanyang Instagram post, ibinahagi niya na hindi pa rin siya makapaniwala sa pagkakataong makapagtanghal kasama si David Foster.
Akala niya ay magsa-soundcheck lamang siya, ngunit nagulat siya nang tanungin ni Foster kung pwede niyang kantahin ang “All By Myself” sa stage.
Ang kahanga-hangang performance niya ay nagdala ng standing ovation mula sa audience sa Big Dome. (Brigada News Intern – Angela Brazas)