Russian Pres. Putin, pinuri ang North Korea

Binisita ni Russian President Vladimir Putin ang North Korea upang palakasin ang ugnayan ng depensa sa pagitan ng dalawang bansa sa gitna ng pakikipag digma nito sa Ukraine.

Matatandaang magkaalyado na ang Moscow at Pyongyang sa panahon pa lamang ng ikalawang digmaang pandaigidig.

Read More:  California Governor commutes death sentences of 548 inmates on death row

Ayon kay Putin, pinupuri niya ang North Korea dahil sa matagumpay nitong pagtatanggol sa kanilang mga interes, sa kabila ng panggigipit ng Amerika sa ekonomiya, pag blackmail at pag banta ng military na tumagal ng ilang dekada.

Read More:  9 dead after business jet crashes into residential area in Florida

Dagdag pa niya, pinupuri nya ang Pyongyang dahil na rin sa mga pananaw nito sa United Nations.

Nagpahayag naman ang US ng pagkabahala sa paglalakbay ni Putin dahil sa mga implikasyon nito sa seguridad para sa South Korea at Ukraine. (Brigada News Intern – Jim Montealegre)