Standee ng 22-anyos na pinatay sa Bacacay, Albay, dinala ng pamilya sa graduation day

LEGAZPI-Nakakadurog ng puso ang pag-akyat sa stage sa araw ng graduation day ng pamilya ng 22 anyos na graduating student ng Bacacay, Albay.

July 7, 2022, nagsagawa ng graduation rites ang Divine Word College of Legazpi (DWCL) na kung saan, pinili pa rin ng pamilya ni Rhea Boneo na umakyat ng stage at kunin ang diploma.

Read More:  Lineman dies after electrocution while installing internet line in Cebu

Makikita sa larawang kuha ni Vyns, si nanay Francia at boyfriend ni Rhea na si John Luis Bermas na hawak ang tarpaulin nito at malaking larawan.

Sa video na uploaded ni Rodel Bejerano Boneo, kitang kita pa an gang pag-akyat ngmag estudyante maging ang pagtawag sa pangalan ni Rhea sa stage bilang cumlaude.

Read More:  UP Diliman student leader killed in what military describes as encounter in Negros

Di rin napigilan ng ina na umiyak at maging emosyunal.

Kung matatandaan, noong June 5 ng karumal dumal na pinatay ang dalaga at natagpuan na lamang sa masukal na lugar ng kanilang barangay sa Hindi.

Marami naman ang nagpaabot pa rin ng congratulations at paghanga rito at hangad na makamit ng lubos ang hustisya.