Pinasinayaan ng Department of Agriculture Regional Field Office 3 – High Value Crops Development Program ang 10,000 Bags Capacity Onion Cold Storage Facility sa Sapang Multi-purpose Cooperative ng Brgy. Ablang Sapang, Moncada, Tarlac.
Ayon sa kooperatiba, malaking tulong ang onion storage para sa mga magsasaka nang sa ganon ay maitataas pa ang kita sa sibuyas.
Ayon kay Regional Executive Director Crispulo G. Bautista, Jr., sisiguraduhin ng Kagawaran na magtatayo pa ng mga pasilidad tulad ng onion cold storage sa Gitnang Luzon upang maiwasan din ang pagkalugi ng mga magsasaka.
Samantala, onion cold storage ay mula sa proyekto sa ilalim ng Bayanihan II HVCDP sa taong 2020.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
Photo Courtesy: DA Central Luzon
