SSS nagbabala sa mga employer na hindi nagbabayad ng tamang benepisyo ng mga empleyado

Nagbabala ang Social Security System sa mga employer na hindi nagbabayad ng tamang benepisyo ng kanilang mga empleyado.

Ito ay kasunod ng paghahain ng criminal charges ng SSS sa apat na mga negosyo dahil sa 15-milyong pisong halaga na hindi nairemit na kontribusyon ng mga empleyado at multa.

Ito ay resulta umano ng pagsasagawa ng nationwide Run After Contribution Evaders.

Sa datos ng ahensya nasa 1,200 na mga employers sa bansa ang naisyuhan ng notice of violation.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *