SSS Legazpi, nananawagan sa lahat ng miyembro na magregister na sa kanilang website

Nananawagan ang Social Security System (SSS) Legazpi sa publiko na magregister na sa kanilang website ngayon.

Ayon kay Jeanette Mapa ng nasabing tanggapapan, lahat na umano ng transaksyon sa kanilang opisina ay via online application.

Ito, aniya, ay dahil naka-focus ang SSS sa digitalization kaya hinihikayat nila ang mga miyembro na magregister na.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Isang halimbawa rito ay ang kanilang inooffer na UMID ATM pay card na naka-link sa regular savings account sa Union Bank of the Philippines, kung saan maliban sa pagiging government-issued ID card ay magiging disbursement account para sa SSS benefits, loans, relief funds; maaari rin itong gamitin upang i-check ang kanilang balance at maaari ring magwithdraw gamit ito, at iba pa.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Nagkaroon na umano ng pilot testing para rito, kung mayroon lamang piling mga miyembro ang pinadalhan nila ng e-mail tungkol sa proseso ng pay card upang bigyan ng offer.

Samantala, kung nakapagregister na rin online ang mga miyembro ay mayroon umanong mga abiso sa kanila mula sa SSS tungkol sa mga bago nilang programa.