Bulkang Mayon, muling nakapagtala ng rock fall event kahapon

Isa na namang rockfall event ang naitala sa bulking Mayon kahapon, Enero 13, batay sa 24 oras ng pagmamanman ng PHIVOLCS.

Sa datos ng nasabing tanggapan, hindi ito nakitaan ng banaag o crater glow dahil natatakpan ito ng ulap, gayundin naman, hindi rin nakita kung nagkaroon ito ng pagsingaw sa kaparehong dahilan.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Sa nasabing datos, nakitaan naman ito ng pamamaga. Matatandaan, sinabi ng PHIVOLCS na ang rockfall events na naitatala mula sa bulkan ay dahil sa sama ng panahon o mga pag-ulang nararanasan.

Ayon kay Dr. Paul Alanis, resident volcanologist ng tanggapan, ang mga aktibidad na naoobserbahan sa bulkan ay inaasahan sapagkat ito ay kasalukuyang nasa alert level 2.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Samantala, hindi rin masasabing nasa normal itong kalagayan dahil sa alert level, kung kaya’t palaging mag-ingat, maging alerto at huwag lumapit sa permanent danger zone nito.