SSS hinimok ang mga miyembro na palakasin ang kanilang savings sa pamamagitan ng Pension Booster

CAMARINES NORTE – Hinimok ng Social Security System (SSS) ang mga miyembro nito na palakasin ang kanilang ipon sa pamamagitan ng MySSS Pension Booster.

Sa isang pahayag na ibinahagi sa media via email mula sa SSS Luzon Bicol Division nitong Biyernes, June 28, hinihimok ni SSS President at Chief Executive Officer Rolando Macasaet ang mga miyembro na samantalahin ang savings program na ito ng ahensiya.

Dito ay maaaring umabot hanggang 7.2% ang taunang return rate.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Ang My SSS Pension Booster ay binubuo ng mandatory at voluntary schemes.

Sa ilalim ng mandatory scheme, awtomatikong enroll sa savings plan ang mga miyembro na nagko- contribute ng mahigit P20,000 sa Regular SSS program.

Bukas naman sa lahat ng miyembro ang voluntary scheme lalo na sa mga nagnanais na mag- invest para madagdagan ang kanilang savings sa pagreretiro.

Sa halagang P500 pwede nang magsimulang mag ipon ang miyembro sa ilalim ng voluntary scheme at pwede pa nila itong dagdagan.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Una na ring sinabi ni SSS Daet Branch Head Ermina Maria Robredo na malaking tulong para sa mga miyembro ang pension booster program lalo na sa oras ng matinding pangangailangan tulad ng problemang medikal at iba pang emergency concern.

Kapag kasi nakapaghulog na ang miyembro  sa ilalim ng pension booster program pagkalipas ng isang taon ay pwede itong i- withdraw para magamit ang pera.