Higit 600 senior citizens sa bayan ng Mercedes natanggap na ang social pension para sa unang semester ng taon

CAMARINES NORTE – Natanggap na ng mahigit  600 senior citizens mula sa pitong Barangay ng bayan ng Mercedes, Camarines Norte ang kanilang social pension  sa pInaka unang pay out ngayong taon.

Ayon sa Lokal na Pamahalaan, ang mga Barangay na nakapag- pay out na ay ang Apuao, Caringo, Catandunganon, Cayucyucan, Gaboc, Mambungalon at Manguisoc. 

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Nakatanggap ang mga ito ng tig- P6K para sa unang semester. Kasabay din ng pay out sa mga benepisyaryo ng social pension ay ang pagbibigay ng cash gift sa  mga octogenarian at nonagenarian beneficiaries.

Matatandaan na unang ibinaba ang funding para sa social pension sa mga bayan ng Jose Panganiban, Paracale, Sta Elena, Basud, San Vicente at Talisay.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Mababatid na ang mode of payment sa social pension ay fund transfer o mula sa DSWD na ibinababa sa mga LGU at ang huli ang magpi- pay out.