SSS hindi pa masabi sa ngayon kung maibibigay na ang karagdagang P1K pension kasunod ng 1 % contribution increase

CAMARINES NORTE- Hindi pa masabi sa ngayon ng Social Security System (SSS) kung maibibigay na ang karagdagang isang libong pisong dagdag na pensiyon na ipinangako ng nakatalikod na Duterte administration.

Kasunod yan ng isang porsientong dagdag na kontribusyon na sinimulang ipatupad ngayong Enero na nagpalawig sa actuarial life ng pension fund nang hanggang 2054.

Sa panayam ng Brigada News FM kay SSS Daet Branch Head Ermina Maria Robredo sinabi nito na ang makakapagsabi lang kung maibibigay ba ito sa mga pensionado ay pamunuan ng ahensiya.

Aniya ibinabase ang pagbibigay ng benepisyo sa actuarial life ng pondo.

Paliwanag ni Robredo na bagamat humaba ang buhay ng pensiyon fund dahil sa dagdag na kontribusyon ay wala pa umano silang natatanggap na anumang advisory patungkol dito mula sa kanilang nakatataas na opisina.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Mababatid na dalawang libong piso dapat ang dagdag sa pensiyon pero isang libo lang ang naibigay ng nagdaang administrasyon.

Matatandaan na sa isinagawang Press Conference ng mga matataas na opisyal ng SSS sa rehiyon na ginanap dito sa bayan ng Daet Agosto ng nakaraang taon, ipinaliwanag ng ahensiya na hindi posible ang dagdag na pensiyon kung walang increase sa kontribusyon ng mga miyembro.

Kailangan rin daw kasing i- secure ang future pensioners at hindi lang ang ngayon.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Bukod dito marami ring  benepisyo ang ibinibigay ngayon ng SSS tulad ng unemployment benefit para sa mga nawalan ng trabaho lalo na noong kasagsagan ng pandemya.

Nabawasan ri ang koleksyon ng ahensiya dahil maraming mga employer ang naapektuhan ng COVID- 19 pandemic.

Ipinaliwanag naman ni Robredo na bukod sa kontribusyon ng mga miyembro ay mayroon ding additional source of income ang SSS.

Ito umano ay galing sa mga ipinapataw na interest na minimal lang naman mula sa mga loan na inilalagay sa reserve fund.

Mayroon ding condonation of penalty program ang ahensiya na dapat umanong i- avail ng mga miyembro upang maibalik ang kanilang mga collectibles.