APEC Ligao substation, pinasabugan; pagpapasabog, maaaring isang pananabotahe

LEGAZPI CITY – Pinasabugan ang Albay Power and Energy Corporation (APEC) Ligao substation ng hindi nakilalang mga suspek noong nakaraang Sabado.

Ayon sa APEC, dalawang lalaking nakahelmet at nakasuot ng facemask ang naghagis umano at nagpasabog ng Improvised Explosive Device (IED) o mas kilala sa tawag na Molotov firebomb.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Gamit ang motorsiklo ay mabilis na tumakas ang mga salarin.

Kaagad namang naapula ng mga gwardiya ang apoy na resulta ng pagpapasabog.

Sa ngayon ay inaalam pa ang kabuuang pinsala sa nasabing substation at mga pasilidad nito.

Aniya, wala namang nasaktang mga empleyado at gwardya ng nasabing korporasyon sa insedente.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Kaugnay nito, mahigpit na kinokondena ng APEC at mga konsomedores ang nasabing pagpapasabog.

Ito ay malinaw na pananabotahe sa isang “vital installation” tulad ng substation na maaring makapaminsala sa maayos na suplay ng kuryente sa ikatlong distrito ng Albay.