‘Squid Game’ nominated para sa best TV drama series sa US producers guild awards

Nominated ang South Korean global phenomenon “Squid Game” sa annual Producers Guild of America (PGA) Awards.

Noong nakaraang linggo nang ianunsyo ng PGA ang nominasyon para ngayong taong awards show, kung saan kinikilala ang excellence sa film at TV productions.

Ang 33rd edition ay gagawin sa March 19.

Ang “Squid Game,” ay isang Korean-language Netflix original, na naitala bilang contender para sa category ng Norman Felton Award for Outstanding Producer of Episodic Television – Drama, kung saan makakalaban ang “The Handmaid’s Tale,” “The Morning Show,” “Succession” at “Yellowstone.”

Nabatid na ito ang unang pagkakataon na may isang non-English TV program na nakatanggap ng approval sa PGA Awards.

Noong 2020, ang Oscar-winning “Parasite” ay naging nominado para sa best motion picture category, pero bigo itong manalo.