Walang nakita ang House of Representatives blue ribbon committee na overpricing sa biniling COVID-19 supplies ng Department of Budget and Management (PS-DBM).
Pero sa kabila nito, inirekomenda ng House committee on good government and public accountability na buwagin ang PS-DBM, dahil wala na umano ito sa kanilang layunin.

Ayon sa chairman nitong si Diwa Partylist Rep. Michael Aglipay, ang procedure sa emergency procurement, alinsunod sa Bayanihan Act One ng PS-DBM, ay consistent sa applicable rules and regulations.
Paglilinaw ni Aglipay, walang iregular o ilegal sa procedure na ginawa ng PS-DBM.