Tinuldukan ng Charlotte Hornets ang winning streak ng Golden State Warriors sa pamamagitan ng 106-102 home win.
Dikdikan ang laban mula umpisa hanggang sa final buzzer ng laro kung saan walang koponan ang lumamang ng mahigit 10-puntos.

Susi naman sa panalo ng Hornets ang mahigpit na depensa sa mga shooters ng GSW.
Nagtala ng mahigit 20-plus points sina Terry Rozier, Lamelo Ball at Miles Bridges para igiya ang Charlotte sa ika-walong panalo.
Humakot ng 24 points si Steph Curry subalit kapansin-pansin naman ang maalat ng shooting mula sa 3-point line ng buong koponan.