Bicol region nagtala ng pinakamababang single day cases ng COVID-19

BICOL—Naitala ng Bicol region ang pinakamababang kaso ng COVID-19 sa isang araw na umabot na lamang sa anim.

Tatlo nito ay mula sa Albay kung saan dalawa ang naitala sa lungsod ng Legazpi at isa sa bayan ng Daraga.

Tatlo rin ang bagong kaso sa Camarines Sur na mula sa mga bayan ng Minalabac, Ocampo at Tigaon habang zero new cases ang Camarines Norte, Catanduanes, Masbate at Sorsogon.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Sa kabuuan ay pumapalo na sa 46,198 ang cumulative cases ng sakit sa rehiyon pero patuloy na ang pagbaba ng bilang ng aktibong kaso dahil sa mataas na bilang ng mga gumagaling habang pababa naman ang mga bagong kasong nadaragdag.

Sa huling record, 163 ang bagong nadagdag sa mga gumaling kung kaya pumalo na sa 38,120 ang total recoveries sa sakit.

54 nito ay mula sa Camarines Sur, 50 sa Masbate, 25 sa Albay, 18 sa Catanduanes at 16 sa Sorsogon.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Samantala, dawala naman ang bagong nadagdag sa mga nasawi na pawing mula sa lalawigan ng Sorsogon kung kaya pumapalo na sa 38,120 ang death toll ng sakit sa rehiyon.

Sa gitna nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa mga Bicolano na sundin ang BIDA Solusyon plus sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.### | slm