CAMARINES NORTE- Sinimulan na sa bayan ng Sta Elena, Camarines Norte ang Support for Parcelization of Land for Individual Titling Project (SLIPT) program ng Department of Agrarian Reform (DAR).
Dinalaw ng DARMO Sta Elena ang bawat barangay upang kausapin at alamin ang kalagayan ng mga agrarian reform beneficiaries (ARBs) at kani- kanilang lupang sinasaka.
Buo umano ang suporta ng DARMO Sta Elena sa proyekto sa pangunguna ni MARPO Dennis De Los Santos.
Layon ng SPLIT project na pabilisin ang land subdivision/parcelization ng Collective Certificates of Land Ownership Award (CCLOAs) at kalaunan ay ibigay ang titulo ng lupa sa agrarian reform beneficiaries na dati nang pinagkalooban ng lands and collective CLOAs sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program.
Ang SPLIT project ay pinopondohan ng World Bank na nagkakahalaga ng P24 billion.
Maliban sa DAR katuwang din sa naturang programa ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Land Registration Authority (LRA).
(Photos: DARMO Sta Elena)
