Specialty clinic sa OPD ng Labo District Hospital, nagbukas na

Inanunsiyo ng pamunuan ng Labo District Hospital (LDH) na bukas na ang Specialty Clinics sa Outpatient Department (OPD) nito.

Sa pamamagitan ng official facebook page ng Provincial Health Office, inanunsiyo nito na bukas na ang mga serbisyong tulad ng internal medicine kung saan tinutugunan ang sakit sa puso at iba pa.

Bukas na rin ang obstetrics and gynecolgy  kung saan maaaring magpa prenatal check-up ang mga buntis at magpasurio ng iba pang sakit ng kababaihan sa matres, obaryo, suso, at iba pa.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Mayroon din itong pediatrics na tutugon sa pangangailangang pangkalusugan ng mga maysakit na sanggol at Well Baby Clinic.

Mangyari lamang umanong makipag ugnayan sa OPD ng naturang ospital para sa schedule.

Samantala, tuloy pa rin  naman daw  ang General Consultation Lunes hanggang Biyernes.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Pero dahil sa pandemya, may takdang bilang lang  ng konsultasyon ang tinatanggap.

Magbubukas rin ng Operating Room ang naturang ospital.

Ayon pa sa pamunuan ng ospital tatanggap lamang ito ng mga elective o hindi emergency na mga operasyon tulad ng Caesarean Section, raspa, operasyon ng almoranas at luslos, pagtanggal ng mga bukol, at iba pang minor procedures.