SP Support ng Koronadal, handang tumulong sa mga barangay

KORONADAL CITY – HANDA ang opisina ng Sangguniang Panlungsod o SP Support Services ng Koronadal na tulungan ang mga opisyal ng barangay at ang mga naka-assign na maghanda ng mga dokumento para sa isasagawang Barangay Purok and Sitio Empowerment Program o BPSEP Evaluation.

Inihayag ni Secretary to the Sanggunian Marites D. Togonon, ga may ilang mga barangay secretary ang nakikipag-ugnayan sa kanilang opisina upang makakuha ng mga mahahalagang inputs kaugnay sa records management.

Batay sa BPSEP Ordinance, sakop ng legislative department ang Core Area 7 o ang Local Legislation and Records Management sa nakatakdang ebalwasyon ng BPSEP ngayong taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *