Naniniwala si 2nd District Palawan Board Member Ryan D. Maminta na hindi magdudulot ng giyera kung magkaroon ng ekspansyon ng Enhance Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa bansa.
Ayon sa lokal ng mambabatas, kung anuman ang tensyon sa West Philippine Sea ay hindi ito dahil sa EDCA at sa katunayan ay dati nang may military base ang Amerika sa Pilipinas.
Dapat raw tingnan ang pakinabang ng apat na bagong itatayong military facilities ng Amerika sa Pilipinas partikular para sa disaster and relief operation.
Ang itatayo umanong bagong facility sa Balabac ay suportado ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan pero hindi ito dapat ikabahala ng mga Palaweño.