Pagbubukas ng ika-64 Palarong Pambansa, pangungunahan ni PBBM sa Cebu ngayong araw

Pangungunahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang pagbubukas ng ika-64 na Palarong Pambansa na gaganapin sa Cebu City Sports Center.

Maliban sa pangulo, inaasahang dadalo rin sa opening ceremony sina Vice President Sara Duterte-Carpio, DILG secretary Benjamin Abalos, Philippine Sports Commission Chairman Richard Bachmann, Cebu Governor Gwendolyn Garcia at iba pang mga lokal na opisyal.

Kanina naman ay dumating na ang kapatid ng presidente na si Senadora Imee Marcos para makiisa rin sa pagbubukas ng sports activity.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *