SP Escudero pinayuhan ang mga kapwa senador na dumistansya sa isyu ng impeachment umano kay VP Sara

Pinayuhan ni Senate President Chiz Escudero ang mga kapwa Senador na dumistantya at huwag ng magsalita sa sinasabing balak na pagpapa-impeach kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Escudero hindi maganda na madawit ang kahit sinong mambabatas sa Senado sa prejudgment o maagang paghatol bago pa man maiakyat sa Senado ang impeachment case.

Read More:  5 senators urge Bato to face ICC without Senate cover

Mababatid na sinabi ni VP Sara na pina-plano umano ng Kamara ang pagpapatalsik sa kanya bilang Bise Presidente bagay na pinabulaanan ng ilang mambabatas.

Read More:  Palace urges lawful action on Bato ICC arrest issue

Sa impeachment process, ang Senado ang tatayong impeachment court at ang mga senador ang u-upong jurors at gagawad ng hatol.