Napabilib ng 9 years na si Leigh Axel Avilla ang mga netizens dahil sa kanya mala-calculator na utak.
Hindi mo na kailangang gumamit ng calculator para hanapin ang value ni X and Y dahil kaya ng sagutin ‘yan ni Avilla.

Kuwento ng uploader na si Marilyn Lanohan II, nagbabakasyon sila sa Bantayan Island nang lapitan sila ni Leigh sinabihan daw sila na handa itong sagutin ang square root ng kahit anong numero na ibibigay nila kapalit ng milk tea.
Ayon pa sa uploader, nagbibilang lang umano sa daliri ang bata ay nakukuha na nito ang sagot.
Sa tala ng Guinness World Records, hawak ni Granth Rakkesh Thakkar ng India ang record para sa fastest time to calculate the square root of a six-digit number. Nasungkit ni Thakkar ang record noong September 2, 2013.