Escudero, nakiusap sa mga ahensya ng gobyerno na pagpasensyahan ang mga mambabatas sa pag-usisa sa kanila

Pinayuhan ni Senate President Chiz Escudero ang mga hepe ng mga tanggapan ng ahensya na magkaroon ng pasensya kapag sumagot sa tanong ng mga mambabatas dahil konektado ito sa tungkulin ng Kongreso.

Read More:  BINI named Philippines’ new tourism ambassadors

Giit pa niya na hindi kailangan paalalahanan ang mga ahensya na maging magiliw dahil mayroon namang chairman at vice chairman ng komite na mangangasiwa sa resource persons sakaling magkaroon ng isyu.

Mababatid na nagkainitan sa budget hearing sina Senator Risa Hontiveros at Vice President Sara Duterte. Binusisi kasi ni Hontiveros ang panukalang P10 milyon fund ng OVP para sa aklat na tungkol sa ‘Isang Kaibigan’

Read More:  Taguig police officer faces administrative complaint over alleged child harassment

Ayon sa Escudero hindi dapat na hahaluaan ng emosyon ang mga pagdinig sa Senado.