SP Escudero – malamig sa Divorce bill

Aminado si Senate President Chiz Escudero na hindi niya pa tuluyang nababasa ang kakalusot lang na Absolute Divorce Bill sa Kongreso.

Ngunit kung siya umano ang tatanungin mas nais niyang palawakin at gawing abot-kaya at accesible ang annulment sa Family Code.

Dagdag pa niya, maari ring payagan na ang Public Attorney’s Office (PAO) na tumanggap ng mga kasong ito matapos sabihin ng Korte Suprema na hindi na kailangan ng psychologist para mapatunayan ang psychological incapacity.

Maliban pa roon, hinikayat din niya ang Kogreso na bigyang-linaw ang kahuluga ng psychological incapacity para mabawsan ang away o di kaya gulo tungkol dito.

Maalala, lumusot na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang nasabing panukalang batas matapos pumabor dito ang 131 na mambabatas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *