South Cotabato nasa alert level 4 ng DOH dahil sa COVID 19


KORONADAL CITY- INILAGAY ng Department of Health o DOH sa Alert Level 4 ang lalawigan ng South Cotabato dahil sa tumataas na kaso ng COVID 19 at mataas na COVID 19 bed utilization rate.


Ang alert level 4 areas ay yaong mga may risk classification na moderate to critical at ang utilization rate ng kanilang total COVID 19 o ICU bed utilization ang umabot sa mahigit sa 70%.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors


Sa datos ng DOH 12 noong August 16, ang South Cotabato ay mayroon ng 9,979 total cases, 674 sa mga ito ay aktibong kaso.


Maliban sa South Cotabato, inilagay din sa alert level 4 ang North Cotabato at General Santos City.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station


Samantalang nasa alert level 3 naman ang Sultan Kudarat, at alert level 2 ang Saranggani province.


Nakasaad din sa datos ng DOH na may kaso na ng Delta variant ang lalawigan ng Sultan Kudarat.