Umano’y intel officer ng kumunistang grupo, patay matapos ‘nanlaban’ sa mga otoridad


KORONADAL CITY — PATAY matapos umanong nanlaban ang pinaniniwalaang intelligence officer ng Komisyon Mindanao o KomMid sa mga otoridad na magsisilbi sana ng warrant of arrest sa bayan ng Polomolok, South Cotabato kahapon ng hapon.


Kinilala ng Polomolok PNP ang suspek na si John Omega Nerbis, alyas “Parts”, “Bords”, “Albay”, “Pards”, na residente ng Block 4, Londres Village, Barangay Cannery Site, ng nabanggit na bayan.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval


Bitbit ng mga otoridad ang dalawang warrant of arrest laban sa suspek sa kasong robbery by a band at kidnapping and serious illegal detention nang matunugan umano ang mga ito ng suspek at pinaputukan.


Agad namang gumanti ng putok ang mga otoridad at tinamaan ang suspek na agad isinugod sa ospital ngunit hindi na umabot ng buhay.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community


Nakuha sa pinangyarihan ng insidente ang isang kalibre 45 na baril at mga bala.


Dating miyembro din umano ang suspek ng Regional Operations Command o ROC – R2, intelligence unit ng Southern Mindanao Regional Committee o SMRC at Squad Special Operations Group ng SMRC.