KORONADAL CITY- NANANATILING bird flu free ang South Cotabato base sa mga negatibong resulta ng blood sample testings na ginagawa sa mga poultry animals sa lalawigan.
Ito ang kinumpirma ni South Cotabato Provincial Veterinary Officer Dr. Flora Bigot sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal.
Ayon kay Bigot, lingguhan ang testing at kanilang pina-prioritize ang ilang mga bayan na malapit sa Tacurong City na unang nakapagtala ng kaso ng bird flu.
Kinabibilangan umano ito ng limang mga barangay ng bayan ng Tantangan at mga katabing barangay ng Norala na malapit sa Tacurong.
Hinigpitan na umano ang veterinary checkpoints at border controls sa nasabing mga lugar.
Napag-alaman, na nagpalabas ng Executive Order Number 14 ang Provincial Government kung saan pinagbabawalan ang pagbiyahe ng mga domestic fowls at iba pa sa buong lalawigan.
