Tindero ng isda, nahulihan ng marijuana sa Puerto Princesa

Arestado ang isang nagtitinda ng isda matapos mahuli sa drug buysbust operation ng pulisya sa Barangay San Pedro, Puerto Princesa City.

Ang suspek ay si Jimson Suico Frado na nakatira sa Barangay San Pedro sa lungsod.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Ayon sa Puerto Princesa City Police Office, nakuha ng Anti Crime Task Force at City Police Drug Enforcement Unit sa suspek ang isang sachet ng Marijuana, 1,000 na buybust money at isang cellphone.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2022 si Jimson.