KORONADAL CITY- DALAWANG mga outstanding women ang kinilala ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA Region 12 sa 2022 Regional Marilag Awards kamakailan lamang.
Layon nito na parangalan ang mga Filipina OFW- regional community leaders at mga OWWAnian frontliners at support staff sa buong bansa bilang pasasalamat sa kanilang dedikasyon sa pagbibigay ng tapat na serbisyo sa OWWA at mga kliyente nito.
Itinanghal bilang Marilag Awardee for OFW- Regional Community Leader Category si Rizalina Balaque Acosta ng Kabacan, North Cotabato na dating caregiver sa Hongkong sa loob ng 18 taon.
Si May Delle Bolso Guanga naman na Program Manager ng Education and Training Programs ng OWWA XII ang kinilala bilang Marilag Awardee para sa Regional OWWAnian Frontliner Category.
Samantala, 47 mga benepisyaryo ng Sa Pinas, Ikaw ang Ma’am at Sir o SPIMS program ng OWWA ang nakatanggap ng financial assistance at certificates.
