Sorsogon State College opisyal nang idedeklara bilang Sorsogon State University sa buwan ng Mayo

SORSOGON CITY – Opisyal nang idedeklara sa Mayo 8 nitong taon ang Sorsogon State College (SSC) bilang Sorsogon State University o SSU, ito ang kinumpirma ni SSC-President Dr. Helen Lara sa isang panayam sa Brigada News FM-Sorsogon.

Sa pahayag ng opisyal sinabi nito na ang aktibidad ay dadaluhan at pangungunahan ng mismong Chairman ng CHED na si Chairman Prospero ‘Popoy’ De Vera III.

Kaugnay nito, ang SSU ang magiging pinakaunang unibersidad sa lalawigan ng Sorsogon.

Matatandaan na naging batas ang RA 11088 o ang ‘Act Converting the SSC into a State University to be known as SSU’ matapos na pirmahan ito ng Pangulong Rodrigo Duterte noong taong 2018. Ito ay matapos na makapasa sa CHED Level III Accreditation ang nasabing kolehiyo kung saan nakamit nito ang ratio ng qualified full-time faculty, sapat na library, pagkakaroon ng sapat na mga linkages, academic policies, mga system at ilan pang mga proseso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *