Sorsogon SK3 sumabak sa training

SORSOGON CITY – Isang training ang inilunsad para lalong mahasa ng kaalaman ang mga miyembro ng traffic support system ng Sorsogon City.

Pinangunahan ang intensibong pagsasanay ng Rescue Recon 1 Philippines, Inc. kung saan layon nitong makalikha ng mahuhusay na tagapagligtas sa panahon ng sakuna, mula sa grupo ng Seguridad Kaayusan Katranquilohan Kauswagan o SK3.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Kasama rin sa ginanap na pagsasanay ang pinuno ng grupo na si Ani Achinges, kung saan sinabi nitong  naaangkop umano ang naturang training sa kanyang mga kawani dahil sila ang laging nakikita sa lansangan bilang pangunahing gawain ay magmando ng trapiko.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Isang international organization naman ang Rescue Recon 1 Philippines, Inc. na ang pangunahing layunin ay magbigay ng pagsasanay sa mga nais matuto ng epektibong rescue operations.