Pagkakaroon ng Safety Seal certification ng mga business establishment sa lungsod, hinihikayat ng BPLO

SORSOGON CITY – Sinisikap ng Business Permits and Licensing Office (BPLO) ang pagkakaroon ng Safety Seal Certificate ng lahat ng business establishment sa lungsod.

 Kaugnay nito, nag-ikot ang mga tauhan ng nasabing opisina kasama ang ilang kawani ng CHO, CDRRMO at CPIO upang hikayatin ang lahat ng mga may-ari ng negosyo na samantalahin ang pagkakataong magkaroon ng nasabing sertipiko.

Ito’y dahil bagama’t boluntaryo lamang, ang sertipikasyon ay patunay na sumusunod ang isang establisimyento sa minimum public health standards na ipinatutupad ng pamahalaan.

Read More:  Parara NHS adopts transparent bags to strengthen Campus Security

Bukod pa sa magkakaroon ng karagdagang 10 porsyento sa pinapayagang operating capacity ang isang business establishment kung mapagkakalooban ng nabanggit na certificate.

Ang Safety Seal Certification ay isang boluntaryong pamamaraan ng sertipikasyon na nagpapatunay na ang isang establisamiyento ay sumusunod sa minimum public health standards na ipinatutupad ng gobyerno sa ilalim ng  IATF Resolution No. 87 o DOLE-DOH-DILG-DOT-DTI Joint Memorandum Circular No. 21-01 series of 2021 at pinagtibay naman ng LGU-Sorsogon City sa ilalim ng Executive Order  No. 22.

Read More:  Newborn baby found dead along General Santos City shoreline

Layon rin nito na mahikayat ang mga establishment owners na gamitin ang StaySafe.ph na isang digital contact tracing.