Sorsogon, pumangatlo sa Bicol region na may pinakamaraming barangay na  idineklarang “drug-free” 

SORSOGON CITY – Pumangatlo ang lalawigan ng Sorsogon sa may pinakamataas na bilang ng mga barangay na nalinis o drug cleared na.

Sa inilabas na datos ng PNP-Bicol at PDEA Region V, 321 mga barangay na sa lalawigan ang idineklarang drug free.

Nangunguna sa may pinakamataas na bilang ng mga barangay na libre na sa droga ang Albay, pumangalawa ang Camarines Sur na may 406 na barangays, nasa pang-apat  ang Masbate na may 290, at sinsundan naman ng Catanduanes na may 202.

Read More:  ₱700K worth of unregistered Korean luncheon meat seized in Cebu City

Ang Camarines Norte ay may naitalang 175 habang ang Naga ay may 8 cleared na barangay.

Read More:  Possible tawas, not shabu, found in Bacolod student’s bag, police say

Kabuuang 1,880 na barangays ito mula sa 2,790 na nakalistang apektadong barangay sa buong rehiyon o 67.4%.

Patunay lamang ito na patuloy na nagbubunga ang kampanya ng PNP-Bicol gayundin ng Philippine Drug Enforcement Agency upang sugpuin ang iligal na droga sa rehiyon