Sorsogon Provincial Library and Information Center, bukas na sa publiko

SORSOGON CITY – Bukas na para sa serbisyo publiko ang provincial library ng Sorsogon. Ito ay matapos na mabuksan din sa publiko ang Museo Sorsogon, kung saan matatagpuan ang nasabing aklatan.

Maaaring puntahan ang library sa ground floor na bahagi ng Museo Sorsogon, na magugunitang binuksan din noong nakaraang taon.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Ayon sa website ng naturang ahensya, iba’t-ibang serbisyo ang maaaring ma-avail ng may mga mag-aaral o ng kahit sinong pribadong researcher.

Magagamit ang ilan sa mga mga kapakipakinabang na serbisyo ng library tulad ng TEKNO-AKLATAN na may 20,000 e-books umano na pwedeng mabasa. Mapapakinabangan din ang internet services ng library para sa online research.

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

May paalala lamang ang pamunuan ng library ukol sa pagsunod sa minimum health protocols para manatiling ligtas ang lahat ng gagamit ng library.