Sorsogon, pinuri ng Philhealth bilang pinakauna sa Bicol region na nakapag-accredit sa Konsulta package

SORSOGON CITY – Pinapurihan ni PhilHealth-Bicol Regional Vice President Henry Almanon ang lalawigan ng Sorsogon dahil sa pagiging una nitong nakapag-accredit sa Konsulta Package.

Ayon sa opisyal, ito’y dahil inobliga umano ni Gov. Chiz Escudero ang lahat ng mga RHUs na mag-avail ng naturang benepisyo.

Ang programa ay kasali sa Universal Health Care o UHC, na unang ipinatupad noong Nobyembre 2019.

Paliwanag ng opisyal, ang Konsulta ay batay sa PhilHealth Circular na may pamagat na ‘Governing Policies of the PhilHealth Konsultasyong Sulit at Tama o Konsulta Package na may layuning bigyan ng karagdagang benepisyo ang lahat ng Pilipinong miyembro at mga dependents maliban pa sa hospitalization benefits.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Sa ilalim ng naturang programa, hindi na lamang sesentro sa mga RHUs at government hospitals ang accreditation kundi maging sa mga pribadong klinika at hospital, kung saan magkakaroon ng profiling at mismong ang mga miyembro ang puwedeng mamili kung saang facility ito magpapa check-up.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Paalala lamang ni Almanon sa lahat ng mga healthcare providers na maging maaga at maging sigurado sa mga dokumentong isusumite sa kanilang opisina para sa mga claims.

Sa polisya kasi, binibigyan ng 60 days ang mga ospital para isumite sa PhilHealth ang claims at mayroon ding hiwalay na 60 days ang PhilHealth para iproseso ito.