SORSOGON CITY – Pang – apat ang lalawigan ng Sorsogon sa buong rehiyon na may malaking populasyon.
Ayon kay Gemma Red, ang Supervising Statistician Specialist ng Philippine Statistics Authority (PSA) – Sorsogon, 828, 655 naman ang naitalang bilang ng populasyon ng lalawigan lagpas sa 35K na mas mataas sa 792,949 na populasyon limang taon na ang nakakaraan.
Nanguna naman ang lalawigan ng Camarines Sur, sinusundan ito ng Albay, ikatlo ang Masbate, ikalima naman ang Camarines Norte at ika-anim ang Catanduanes.
Sa lalawigan ng Sorsogon, ang lungsod pa rin ang nangunguna sa may pinakamaraming populasyon kung saan mayroon itong total na 182, 237.
Sumunod naman ang bayan ng Bulan na may 105, 190, ikatlo ang Pilar na may 75,793, sunod ang Castilla na may 60,635, Gubat na may 60,294 , 59,267 ang Irosin, 50,281 ang Donsol, 41,989 ang Matnog, 35,602 ang Casiguran, 37,411 ang Magallanes, 35,297 ang Juban, 23,932 ang Bulusan, 22,644 ang Pto. Diaz , Barcelona 20,987 at 17,096 naman ang Sta. Magdalena.
Samantala, ang barangay ng Bibincahan pa rin sa lungsod ng Sorsogon ang may pinakamaraming populasyon sa lalawigan kung saan nakapagtala ito ng 20,618.
Kung babalikan, umabot na sa bilang na 109,035,343 ang kabuuhang populasyon ng Pilipinas sa taong 2020 batay ito sa isinagawang Census of Population and Housing (CPH) ng PSA.

