Sorsogon, nangunguna pa rin sa bansa sa pagpapatupad ng UHC

Nangunguna pa rin ang lalawigan ng Sorsogon sa pagpapatupad ng Universal Health Care sa bansa.

Ayon kay Dr. Daniel John Lacheca, focal person ng UHC ng lalawigan, sa tatlong level ng UHC, 100% na ang naabot ng PLGU sa Preparatory Level, 86.1% sa Organizational level at 55% sa Functional level.

Aniya, ang Organizational at Functional Level ay hindi maaabot ang 100% dahil marami pa umanong key areas ang wala pang policies o IRR mula sa DOH Central Office.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Sa ngayon, wala na umanong advance programs ang lalawigan sa ilalim ng dalawang natitirang level para kapag magkaroon na umano ito ng mga policies o IRR ay hindi na mahirapan pa ang lalawigan.

Kabilang dito ang integration ng mga local health system ng mga LGU para sa pagpapatupad ng iisang province-wide health system sa ilalim ng Universal Health Care.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Mayroon na rin umanong Special Health Fund kung saan ida-download ang pundo mula sa UHC at iba pang health programs para sa Sorsogon.

Hinihintay na lamang umano  ang subsidiary ledger o specific health account ng 15 LGUs.