Albay at Cebu, mas pinatatag ang samahan sa pamamagitan ng MOA para sakanilang sisterhood relations

LEGAZPI CITY – Mas pinatatag pa ng Albay at Cebu ang kanilang samahan sa pamamagitan ng paglagda ng Memorandum of Agreement (MOA) na nagtatatag sa kanilang sisterhood relations sa sideline ng Pasigarbo sa Sugbo Festival showcase nito lamang nakaraang linggo, sa Carcar City, Cebu Province.

Ang MOA ay nilagdaan nina Albay Gov. Edcel “Grex” Lagman at Cebu Gov. Gwendolyn Pilar Fiel Garcia.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Nakasaad sa MOA ang kasunduan na pormal na nagtatatag ng mas malakas na koordinasyon at kooperasyon sa pagitan ng dalawang lalawigan.

Alinsunod sa kasunduan ng sisterhood, titingnan ng Albay at Cebu ang mga potensyal na larangan ng pagtutulungan, bukod sa iba pang mga bagay, sa pagpapaunlad ng kalakalan, agrikultura, edukasyon, pagmamanupaktura, kultura, pag-unlad ng ekonomiya at panlipunan, at mga batas sa pangangalaga sa kapaligiran.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Bilang pakikipagkaibigan at pasasalamat, magtatayo ang Cebu ng Tourist Rest Area (TRA) na tutugon sa lahat ng mga kinakailangan ng Department of Tourism (DOT).