Sorsogon nanguna sa mga laro sa kakatapos lang na regional invitational clustered qualifying meet

Nanguna ang lalawigan at lungsod ng Sorsogon sa mga isinagawang laro kaugnay ng Regioanal Invitational Clustered Qualifying Meet na isinagawa sa ibat-ibang paaralan sa lungsod at lalawigan.

Kabilang sa mga nasabing sports na pinaglabanan ng mga athletes mula sa lalawigan ng Masbate at Sorsogon at lungsod ng Masbate at Sorsogon ay ang Volleybal for boys at girls sa elementarya, volleyball for boys and girls sa sekondarya, basketball for boys sa elementarya at sekondarya, at basketball for girls sa sekondarya.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Pinangunahan ng lalawigan ng Sorsogon ang Volleybal for boys at girls sa elementarya at volleyball for boys sa sekondarya.

Pinangunahan rin ng Lungsod ng Sorsogon ang Volleyball for girls sa sekondarya, basketball for boys 5×5 sa sekondarya at basketball for girls 5×5 sa sekondarya.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Pinangunahan rin ng Lalawigan ng Masbate ang basketball for boys 3×3 sa sekondarya at basketball for girls 3×3 sa sekondarya.

Gayundin ang Lungsod ng Masbate sa basketball for boys 5×5 sa elementarya.

Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng paghahanda sa Palarong Bicol na nakatakdang isagawa sa huling linggo ng Abril 2023.