Sorpresang drug testing ginagawa sa mga opisyal ng Barangay sa Naga

NAGA CITY – Bilang pagsunod sa direktibang inilabas ni City Mayor Nelson Legacion, patuloy na ginagawa ang sorpresang pag drug test sa mga barangay officials at sa mga kasamahan nito sa konseho.

Kabado man, subalit kailangan na sundin ang kautusan na ito ng alkalde.

Hindi rin aniya maitatatwa na may mga pasaway sa konseho, ayon sa mga opisyal.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Pinakahuling isinailalim sa drug test ang buong barangay council ng Cararayan na pinangunahan mismo ni Punong Barangay Rodrigo Agravante na ginawa noong isang araw.

Laking pasalamat naman ng kapitan dahil sa negatibo ang resulta sa buong konseho.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Agravante, kinumpirma nito na wala namang nagda-drugs sa kanyang konseho, dahil mahigpit niyang mino-monitor ang mga ito at laging pinaaalalahan na huwag gumamit ng anumang illegal na druga.

Hangad niya sana ay mamanteni nila ang ganitong magandang records na walang drug addict na opisyal at appointed sa barangay.