CAMARINES SUR- Pormal nang isinagawa ang Kick-Off Program at Launching ng Oplan Balik Eskwela Helpdesk at Brigada Eskwela 2024 sa Bicol Region sa programa sa Iriga City, Camarines Sur.
Sa mensahe ni Department of Education (DepEd)- Bicol Regional Director Dr. Gilbert Sadsad , pinasalamatan nito ang lahat ng stakeholders kasama ang mga magulang sa suporta sa kagawaran kasabay ng panawagan na patuloy na tulungan ang DepEd para sa mga anak. Layunin aniya ng Brigada Eskwela na makapag simula na kaagad ang mga estudyante sa unang araw ng klase at maalis ang nakaugalian na ang unang araw ay paglilinis ng naman kaya hindi muna pumapasok sa eskwela.
Para naman kay Dr. Manny De Guzman, Schools Division Superintendent ng DepEd Iriga, magandang venue ang Oplan Balik Eskwela at helpdesk upang mabatid ng kagawaran ang mga nararapat pang gawing solusyon sa mga problemang kinakakarap sa mga paaralan.