Solons – tinatanggap ang hamon ni PBBM na tapusin ang 17 priority measures ng pamahalaan

Inaasahang matatapos ng Kamara ang 10 sa 17 na priority bills na inilatag ni Pangulong Bongbong Marcos.

Ayon kay House Speaker Martin Romualdez mula sa 17, ang pitong panukala na Single-Use Plastic Bag Tax Act, Value-Added Tax on Digital Transactions, pagtatatag ng Fisherfolk Resettlement Areas, Anti-Financial Account Scamming Act, Automatic Income Classification Act for Local Government Units, Bureau of Immigration Modernization Act, at Ease of Paying Taxes Act, ay naaprubahan na sa House of Representatives.

Dagdag pa nito, target nilang maaprubahan ang apat sa natitira pang panukala sa kanilang break sa Oktubre, lalo na ang Anti-Agricultural Smuggling, Amendments to the Cooperative Code, Tatak Pinoy, at Blue Economy.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Maliban dito, ang anim pang bills ay tatapusin bago ang recess ng Kamara sa Disyembre.

Ani Romualdez, kampante naman siya na magagawa ng Mababang Kapulungan sa hamon ng Pangulo na maipasa ang 17 priority measures na kinakailangan para ma-sustain ang economic recovery, at mapabuti ang living condition ng mga tao.

Senado, mabilis na aakyunan ang hiling ng Pangulo sa kanyang SONA na maisabatas ang ilang panukala

Kinumpirma ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na maari ng aprubahan ng Senado sa susunod na Linggo ang dalawa sa nabanggit na panukalang batas ng Pangulong Marcos sa kanyang ikalawang SONA kahapon.

Ayon kay Villanueva, ilan sa mga panukalang batas na mabilis nilang aaksyunan base sa napagkasunduan sa Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) meeting ay ang pagsasabatas ng income classification sa mga local government units (LGU) at pagpapatupad ng Ease of Paying Taxes Bill.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Maliban pa rito, ayon sa senador ay bibigyan din nila ng atensyon ang pagpapalakas ng batas laban sa smuggling, pagre-revitalize ng industriya ng asin at pagpapalakas ng batas ukol sa internet transaction o digital e-commerce na patuloy ang paglawak sa merkado.

Dagdag pa niya, aaksyunan naman din ng Senado ang tungkol sa ilang isyu tulad ng pagpababa ng inflation rate, paglikha ng mga trabaho at pag-aaral sa pagbuo ng Department of Water Resources na hindi naman naisama sa usapan sa nakaraang LEDAC.
#