Pamahalaan, pursigidong maisabatas ang MUP pension reform bill

Natalakay sa Post Sona Philippine Economic Briefing ng Department of Finance kaninang umaga, ang patungkol sa pagpapatupad ng Military and Uniformed Personnel pension reform bill.

Sinabi ni Department of Finance Secretary Benjamin Diokno, na pinupursige ng pamahalaan na maaprobahan na ito ng Kongreso bago matapos ang taon, at maipatupad sa January 2024.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Muling paglilinaw ng Kalihim, laman ng naturang panukala na hindi na pakikialaman ang pension ng mga retirado na, habang paunti-unti naman ang pagbabayad ng mga nasa active service, at ang mga bagong recruit ang oobligahin na mag bayad ng full amount ng benefit.

Ito naman daw ay para din sa kapakanan ng mga military and uniformed personnel upang maging sustainable ang kanilang pension system sa hinaharap.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Malaking game changer din anya sa fiscal space ng pamahalaan ang pagpapatupad nito.

Mababatid na sa taong 2024, nasa 300 billion pesos ang inilaan na budget ng pamahalaan para sa pension ng mga military personnel.
#