Poe: Dapat samantalahin ang marching orders ng Pangulo para maitatag ang DWR

Naniniwala si Senadora Grace Poe sa importansya ng pagsasagawa ng agarang aksyon bago lumala ang kinahaharap na krisis ng tubig sa bansa.

Hinikayat ng senadora ang mga kapwa niya mambabatas na i-‘seize’ na o samantalahin ang marching orders ng Pangulong Bongbong Marcos upang ipasa ang pagkakaroon ng Department of Water Resources Management (DWR).

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Dagdag pa niya, marapat lang na mabigyan ng “serious focus” at “consolidated effort” ang usapin sa tubig.

Read More:  Flood control probe pushes through, Baligod and 18 ‘Ex-Marines’ invited

Kung maalala, noong nakaraang taon ng Hulyo ay muling ni-refile ni Poe ang panukalang batas na naglalayong lumikha ng Department of Water Resources upang pagbutihin ang supply ng tubig sa buong bansa.
#