Solong integrated farm sa Camalig, Albay, isa nang Learning Site for Agriculture

Pormal nang idineklara ang Solong Integrated Farm bilang Learning Site for Agriculture (LSA) sa bayan ng Camalig, Albay.

Ayon sa Agriculture Training Institute ng (DA-ATI) Bicol, ang Solong Integrated Farm ay itinatag nang panahong magsimula ang pandemya.

Mas kilala ito bilang Solong Eco-Park noon na isa sa mga tanyag na tourist spots sa nasabing bayan.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Ito ang ikaapat na LSA sa Camalig, ang isa sa mga bayan sa rehiyon na may malaking bilang ng LSA.

Ang nasabing Farm ay may lupaing 6.5 hectares na kung saan dito makikita ang sinasabing ‘Mini-Bohol’ ng Bicol dahil matatanaw dito ang tumpok-tumpok na mga burol gayundin ang bulkang Mayon at bundok Masaraga.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Dagdag pa nito, hindi lang makikilala ang Camalig sa pinangat kundi ay isa na rin ang bayan na kilala sa mga farm sites gaya ng Solong Integrated Farm.